Presyo ng bawang bumaba sa pamilihan sa Pangasinan

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2019 08:14 PM | Updated as of Jun 24 2019 09:46 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Bumaba ang presyo ng bawang sa Bagsakan Market sa Urdaneta City, Pangasinan dahil umano sa dami ng suplay ng inangkat na bawang.

Ayon sa mga tindera, mula sa dating P1,000, P600 na lang ang kada bag ng native na bawang matapos dumating ang mga imported stock galing China.

Mula P200 kada kilo, P150 na lang ang kada kilo ng native na bawang.

Nasa P90 naman ang kada kilo ng imported garlic.

"Kulang 'yong production ng bawang sa Pilipinas. Hindi kayang i-provide iyong kailangang consumption," ani Nestor Batalla, assistant provincial agriculturist sa Pangasinan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.