Lalaki patay matapos mabangga, magulungan sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2019 12:25 PM | Updated as of Jun 24 2019 07:48 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Napatay ang isang 62-anyos na lalaki matapos mabangga at magulungan ng mga sasakyan sa Bacolod City noong gabi ng Linggo.

Patawid ng kalsada sa Araneta Street, Barangay Sum-ag ang biktimang si Eduardo Enriquez nang banggain siya ng isang motorsiklo, base sa kuha ng closed-circuit television (CCTV) camera.

Nang nakahiga sa gitna ng kalsada ang biktima, isang jeepney ang umiwas sa kaniya pero nagulungan ito ng kasunod na bus at tricycle.

Ang nakabanggang motorsiklo ang may kasalanan sa nangyari, ayon kay Police Capt. Jun Ray Batadlan ng Bacolod police.

Tinitingnan na rin ng pulisya kung may pananagutan ang mga driver ng bus at tricycle sa paggulong sa biktima nang nakahiga ito sa daan.

Nanawagan si Batadlan sa mga driver ng motorsiklo, bus at tricycle na sumuko.--Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.