Estudyante, timbog sa buy-bust operation sa Davao City

Berchan Angchay, ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2019 07:35 PM

DAVAO CITY - Arestado ang isang 19 anyos na lalaki matapos mabilhan ng marijuana sa Barangay 19-B, Garcia Heights, Davao City, Linggo ng gabi.

Nabilhan ng isang rolyo ng marijuana na nagkakahalagang P500 ang suspek. 

Sa inspeksyon, nakuha rin sa kaniya ang tatlo pang rolyo ng marijuana na nagkakahalaga ng P4,000.

First-year college student ang estudyante at kumukuha ng kursong agriculture.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.