Basement ng National Printing Office, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2019 10:47 PM

MAYNILA—Nasunog ang basement ng National Printing Office sa Barangay Pinyahan, Quezon City Lunes ng gabi.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-9:40 ng gabi at idineklarang under control alas-10:25 ng gabi.

Kinailangan ng ventilator sa lugar dahil sa kapal ng usok sa basement. Nasa 16 fire truck ang rumesponde sa insidente.—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.