Babae arestado sa buy-bust sa Valenzuela

ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2018 09:43 AM

MANILA - Arestado ang isang babae sa isang buy-bust operation ng PNP sa Marulas, Valenzuela City.

Kinilala ang suspek sa alyas na Cristine, 45 anyos. 

Ayon sa PNP, nakipagkita ang isang poser-buyer kay Cristine sa De Guzman St. at nakabili ng P200 halaga ng shabu. 

Narekober sa suspek ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.