6 inmates sa Davao Penal Colony, nagpositibo sa drug test

Che-che Diabordo, ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2018 05:07 PM

Photo courtesy of PDEA - Region 11

DAVAO CITY - Nagpositibo sa random drug test ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 6 na inmate sa Davao Prison and Penal Farm sa Braullio Dujali, Davao del Norte.

Kinumpirma ni PDEA 11 Regional Director Antonio Rivera na ang mga inmate na nagpositibo sa shabu ay pawang mga nasa medium security camp.

Ayon kay Rivera, nasa 57 indibidwal ang sumailalim sa drug test base sa hiling ng Bureau of Corrections. 

Iimbestigahan ng Bucor kung bakit nagpositibo sa ilegal na droga ang ilang nakakulong at kung nakakapasok ang shabu sa mga selda.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.