5 arestado sa buy-bust sa Makati

Lyza Aquino, ABS-CBN News

Posted at Jun 24 2018 08:07 AM

MANILA - Arestado ang 5 na lalaki sa isang buy-bust operation sa Brgy. Pembo, Makati City.

Ayon sa Makati PNP, nakabili pa ng P500 halaga ng hinihinalang shabu ang kanilang poser buyer bago sinalakay ng mga operatiba ang lugar at inaresto ang mga suspek.

Nasamsam nila ang nasa limang sachet ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.