Lalaki, arestado matapos mahulihan ng droga at pekeng police ID

Jeffrey Hernaez, DZMM

Posted at Jun 24 2017 02:05 PM

MANILA- Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng ilang sachet ng hinihinalang 'shabu' at pekeng ID ng pulis sa Araneta Avenue, Barangay Tatalon, Quezon City nitong Sabado.

Kinilala ang suspek na si Neil Elizaga, 48, at residente ng Caloocan City.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Noel Lobo, inireklamo ng ilang residente si Elizaga dahil sa umano'y inakalang labis na kalasingan lamang.

Ngunit ng respondehan at kapkapan, nakuha mula sa kaniya ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu.

Nakuhanan rin ang suspek ng isang pekeng ID ng pulisya kung saan gamit niya ang pangalang PO3 Neil del Mundo, na maaaring ginagamit umano nito sa iligal na aktibidad.

Hindi naman makausap ng maayos si Elizaga dahil sa umano'y impluwensiya ng alak o droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.