PatrolPH

7 sasakayan nabagsakan ng mga sanga ng puno sa NLEX sa kasagsagan ng malakas na ulan

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2022 04:25 AM

Halos hindi umuusad ang matinding traffic na nararanasan ng mga motorista na bumabaybay northbound ng North Luzon Expressway sa bahagi ng lungsod ng San Fernando at bayan ng Mexico sa Pampanga sa kasagsagan ng malakas na ulan at hangin Miyerkoles ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng NLEX, nagkaroon ng aksidente dahil sa pagbagsak ng mga sanga ng puno.

"Starting before 7 mayroong mga fallen branches ng tree na nag-block ... Totally blocked ng northbound direction natin," ani Robin Ignacio, Senior Manager for Traffic Operations ng NLEX.

Bandang 8:30 ng gabi, nasa 7 sasakyan ang naiulat na nabagsakan ng sanga ng puno sa bahaging iyon ng expressway.

“At least wala naman nasaktan, ang kini-clear lang ngayon 'yung mga branches of trees, naipit kasi yung mga responding teams," dagdag ni Ignacio.

Payo ng NLEX sa mga motorista, mas maiging mag-exit na muna sa San Fernando at bumiyahe sa MacArthur Highway para maiwasan ang maipit sa matinding traffic habang patuloy ang isinasagawang clearing operations sa expressway. – Ulat ni Gracie Rutao

MULA SA ARCHIVE 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.