PatrolPH

Truck tumagilid sa Isabela; 1 patay, 16 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2021 12:44 AM

Truck tumagilid sa Isabela; 1 patay, 16 sugatan 1
Kuha ng Cabagan Police Station

Isa ang patay habang 16 ang sugatan nang tumagilid ang sinasakyan nilang truck sa Cabagan, Isabela noong Linggo ng hapon. 

Sa imbestigasyon ng Cabagan Police Station, pauwi na ang mga biktima matapos na magpiknik sa Pinacanauan River na sakop ng Brgy. Antagan sa bayan ng San Pablo.

Habang binabaybay ng truck ang kalsada sa Brgy. Cansan, Cabagan ay nakaidlip umano ang driver hanggang sa bumangga na lang ang minamaneho niyang truck sa isang poste ng ilaw bago tumagilid.

Nasawi ang isang sakay na si Milagro Garro, na manugang ng driver.

Naisugod naman sa ospital ang driver at 15 pang sakay, kabilang na dito ang 6 na menor de edad, na pawang nagtamo ng mga sugat sa katawan. 

Inilipat kinalaunan sa ibang ospital ang dalawang biktima dahil sa sugat na tinamo sa ulo at bali sa paa saka kamay.

Napag-alaman ng pulis na nasa impluwensiya ng alak ang driver nang mangyari ang aksidente. 

Nasa kustodiya na siya ng Cabagan Police Station habang hinihintay ang desisyon ng pamilya ng nasawing biktima kung magsasampa ito ng kaso. 

—Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.