MAYNILA—Patay ang security guard sa Jose Reyes Memorial Medical Center sa Santa Cruz sa lungsod na ito matapos barilin ng binabantayan niyang pasyente Lunes ng umaga.
Kinilala siyang si Arturo Budlon, 37, residente ng Valenzuela City.
Nakatoka siya sa pasyenteng barangay kagawad na naka-confine sa naturang ospital matapos saktan ang sarili.
Kuwento ng mga kasamahan ng barangay kagawad, puwersahang lumalabas ng kwarto ang pasyente.
Unstable pa ang barangay kagawad kaya sinasaway siya ng sekyu, ayon kay Police Lt. Col. John Guiagui, commander ng Sta. Cruz Police.
Pero pagtalikod ni Budlong, inagaw ng pasyente ang kaniyang service firearm na 9-mm pistol at pinaputukan ang sekyu.
Tama ng bala sa dibdib ang ikinamatay ng biktima noong Martes.
Itinakbo pa ng pasyente ang baril at nakipagpalitan ng putok sa mga pulis hanggang abutan siya sa morgue ng ospital.
Ayon pa sa mga taga-barangay, kritikal ang kundisyon ng barangay kagawad na tinamaan ng bala sa hita at tiyan.
"Nagpapaputok pa rin siya. Noong na-immobilize siya, doon lang na-control ‘yong situation," ani Guiagui.
"Sabi ko iwasan ang pag-inom. Kapag uminom siya, magdamag hindi makakatulog, baka 'yun cause na may ano sa pag-iisip . . . Parang hindi tama 'yung isip niya. Mayroon daw sumusunod sa kanya . . . Pinapipirma ang magulang. Six months ire-rehab kaso naaawa sila. Hindi natuloy," ani chairman Teddy Isla ng Barangay 428.
Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang suspek na barangay kagawad na kakasuhan ng murder.
MULA SA ARKIBO:
Editor's note:
May mga grupo sa Pilipinas na handang makinig sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan at depresyon.
Kabilang na rito ang Natasha Goulbourn Foundation na handang tumugon kahit na anong oras.
Narito ang kanilang hotline numbers:
Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
In Touch Crisis Lines:
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (+63917) 800.1123 or (+632) 506.7314
Sun (+63922) 893.8944 or (+632) 346.8776
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
sekyu binaril, inagawan ng baril, barangay kagawad, Sta. Cruz, Maynila, crime, Tagalog news, hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center, hospital