PatrolPH

Lalaki sinagip ng 4 lalaki mula sa pagkalunod sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2021 09:00 AM | Updated as of Jun 23 2021 09:56 AM

Nagtulungan ang 4 na lalaki sa pagsalba ng isang lalaking nawalan ng malay matapos muntikang malunod sa Davao City Martes ng hapon.

Ayon sa isa sa mga sumagip na si Vic Dionesio, nasa seawall siya ng Times Beach sa Matina Aplaya habang may hinihintay na kasama nang biglang magkagulo ang 3 lalaking naliligo sa dagat.

Hindi nag-atubiling tumulong si Dionesio at ilan pa para sagipin ang lalaking namumutla na at hindi na gumagalaw. 

 

Ayon kay Dionesio, ginamit niya ang mga tinuro sa kanilang basic life support noon. 

Siya na ang nagmando sa kasamahang lalaki para maisalba gamit ang CPR at humingi rin sila ng saklolo mula sa Central 911.


Isang biker din na napadaan lamang ang tumulong sa chest compression hanggang nagkamalay ang lalaki.

Nagpapagaling na sa ospital ang lalaking nasagip mula sa pagkalunod. — Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.