PatrolPH

Deputy city prosecutor patay sa pamamaril sa Apayao

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2021 11:46 PM

Patay ang isang deputy city prosecutor matapos pagbabarilin ng mga di kilalang salarin sa Conner, Apayao, Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa pulisya, pinagbabaril si Victor Begtang Jr. malapit sa bahay niya sa Brgy. Malama alas 2:20 ng hapon.

Nagtamo ng apat na tama ng bala sa katawan ang biktima na naisugod pa sa Conner District Hospital pero pumanaw din. 

Deputy city prosecutor ng Ilagan City, Isabela ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon sa naturang krimen.

—Ulat ni Harris Julio

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.