PatrolPH

3 miyembro ng BIFF, patay sa engkuwentro sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2021 12:37 AM

Patay ang tatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng teroristang grupo at mga militar sa Barangay Linantangan, Shariff Saydona sa Maguindanao nitong Linggo.

Nakilala ang mga napatay na sina Dhen Dhen Haron, Ali Amil Hasim, at Buhari Bualan.

Nangyari ang engkwentro sa gitna ng patuloy na paghahanap sa grupo ng Karialan faction na nakalaban rin ng mga awtoridad sa Datu Paglas noong Mayo.

Tumagal ang bakbakan ng 35 minuto. Nakuha mula sa mga napatay na terorista ang 3 pistol na baril, 2 granada at ilang gamit.

Nakuha rin sa kanila ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na may 8 gramo na bigat.

Ayon sa commander ng 6th Infantry Division na si Major General Juvymax Uy, patuloy ang pagtugis sa mga rebeldeng grupo para maiwasan ang pinaplano nilang pag-atake sa mga komunidad sa Maguindanao.

- ulat ni Chrislen Bulosan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.