TINGNAN: Mga stranded sa NAIA Terminal 3 sa bangketa muna natutulog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

TINGNAN: Mga stranded sa NAIA Terminal 3 sa bangketa muna natutulog

TINGNAN: Mga stranded sa NAIA Terminal 3 sa bangketa muna natutulog

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 23, 2020 06:46 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Pagpapauwi sa mga stranded sa NAIA sa kanilang mga LGU sinimulan na: DOTr

MAYNILA (UPDATE) - Sa bangketa sa labas ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 na natutulog ang ilan na gusto nang makauwi sa kanilang probinsiya.

Sa Andrews Avenue sa Pasay City nagsidagsaan ang mga pasahero, na pawang nag-apply pa-abroad pero hindi na raw kayang tustusan ng manpower agency.

May iba naman, gustong lumapit sa NAIA para magbakasakali kung may biyahe na.

Marami sa kanila may ticket na pero sa araw mismo ng flight lang nila nalaman na kanselado pala ang kanilang flight. Wala na silang magawa kung hindi sa bangketa matulog dahil wala na rin silang pera para umupa pa ng kwarto.

ADVERTISEMENT

Pang apat na araw na nila sa may paliparan, at sa Hulyo pa umano ang bagong schedule ng byahe nila -- o dalawang linggo pa ang kanilang hihintayin.

Si Hamida Basit at mga kasamahan niya gusto nang umuwi ng Cotabato, Gensan, Bohol at Davao.

"Sana po may sasalo sa amin, may rescue kahit man lang tirahan lang makatulog nang maayos, ['yung] wala kami pangamba na makahalubilo namin wala sakit," ayon sa pasaherong si Hamida Basit.

Mahirap aniya ang buhay sa bangketa.

"Kailangan pa po bayad 25 para maka cr, araw araw ilang beses kami CR... Tatlo, apat, saan kami [kukuha] ng budget?" ani Basit.

ADVERTISEMENT

"Marami kasi siksikan, wala [physical] distancing, 'di namin alam sino kahalubilo namin may sakit man o wala, isipin na lang natin wala, pero yung araw at ulan dinaranas namin dito," dagdag niya.

Ang professional boxer na si Jerry Cañada, lumuwas para paghusayin pa ang pagbo-boksing pero bawal ang contact sports kaya na-stranded siya.

Sa professional boxing, "asero" ang tawag sa kaniya pero sa sitwasyong ito ay mas malakas pa ang suntok ng pandemya.

“Senador Manny Pacquiao, kapwa ko boxer, sana po matulungan niyo po ako. Very first time na dito ako natulog sa gilid ng kalsada. Sana hindi ko na maranasan uli ito,” ani Cañada.

Samantala, may mga dumating ulit sa Philippine Army Gym at Villamor Airbase Elementary School - kung saan pinapapunta muna ang mga ibang na-stranded na pasahero noong nakaraang linggo - pero punuan na.

ADVERTISEMENT

"Para kami 'yung asong binubugaw, pinapagalitan, kasi gustong gusto ko na pong makauwi lalo ngayon 'yung anak ko nasa ospital pa. Kung marinig po ni Tatay Digong sana naman po tulungan niya kaming mga stranded. Nagmamakaawa po kami,” mangiyak-iyak na apela ni Bai Dallya, na nakatakda sanang umuwi ng Sultan Kudarat.

May mga nagkusa namang mamigay ng pagkain sa mga nag-aabang na pasahero.

Ayon naman kay DOTr Assistant Secretary Eymard Eje, makikipag-ugnayan din sila sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila para doon muna sila manatili kaysa sa lansangan.

Ipinasundo na rin ang mga na-stranded na OFW sa ngayon ng mga trak pabalik sa mga LGU kung saan sila nanggaling.

-- Ulat nina Jekki Pascual at Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.