Higit P3M halaga ng shabu nasamsam, 2 huli sa Makati drug bust

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2020 05:09 PM | Updated as of Jun 23 2020 09:45 PM

Aabot sa higit P3 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Makati ngayong Martes.

Matapos bentahan ang isang operatibang nagpanggap na buyer, hinuli umano ng mga awtoridad ang 2 suspek sa Barangay Rizal.

Tinatayang nasa kalahating kilo ang nasamsam ng PDEA sa 2 suspek, ayon kay PDEA Spokesperson Derrick Carreon.

Inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa 2 suspek, ayon sa PDEA.

-- Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.