ALAMIN: Mga lungsod sa Metro Manila na nagpaiksi ng curfew hours

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2020 08:22 AM | Updated as of Jun 23 2020 12:40 PM

MAYNILA - Sa pagpapalawig ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, pinaiksi ng ilang lungsod dito ang oras ng kanilang curfew na unang pinatupad dahil sa COVID-19 pandemic. 

Karamihan sa mga lungsod na ginawa ito ay upang madagdagan ang oras ng operasyon ng mga negosyo sa kanilang lugar, partikular ang mga kainan. 

Lahat ng nagbawas ng oras ng curfew ay ginawang hanggang alas-10 ng gabi ang oras na pinapayagan ang mga taong lumabas mula sa dating alas-8. 

Papayagan pa ring makabiyahe ang mga essential personnel o frontliners. 

Narito ang mga lungsod na nagpaiksi ng curfew ayon sa tinakda nilang bagong oras:

10 P.M. - 4 A.M. CURFEW:

▪️ Las Piñas City

▪️ Muntinlupa City

▪️ Parañaque City

▪️ Taguig City

10 P.M. - 5 A.M. CURFEW:

▪️ Makati City

▪️ Mandaluyong City

▪️ Manila

▪️ Pasay

▪️ Quezon City

▪️ San Juan City

Narito ang mga lungsod na wala pang inaanunsyong pagbabago sa curfew:

8 P.M. - 5 A.M. CURFEW:

▪️ Malabon City
▪️ Marikina City
▪️ Navotas City
▪️ Pasig City 
▪️ Valenzuela City

24-HOUR CURFEW:

▪️ Pateros City (may window hours para sa mga may quarantine pass)

Sa ilalim ng GCQ, bawal pa ring lumabas ang mga senior citizen at edad 20 at pababa, puwera kung sila'y nagtatrabaho o kailangang lumabas para bumili ng pangangailangan.