80 pamilya apektado ng pagbaha sa Sultan Kudarat

Kent Abrigana, ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2020 05:31 PM

Nalubog sa baha ang apat na barangay sa bayan ng Lambayong sa Sultan Kudarat. Photo courtesy of Lambayong LGU

Nalubog sa baha ang apat na barangay ng Lambayong, Sultan Kudarat dahil sa malakas na ulan Lunes ng hapon.

Ayon sa Local Disaster Risk Reduction and Management Office ng Lambayong, tinatayang aabot sa 80 pamilya ang apektado ng pagbaha.

Tumagal nang higit sa tatlong oras ang pagbuhos ng ulan.

Ayon pa sa LDRRMO ng Lambayong, mga nakabarang basura sa mga drainage canal ang sanhi ng pagbaha.

Agad namang nagsagawa ng decluttering ang lokal na pamahalaan ng Lambayong.

Nagpaalala rin ang lokal na pamahalaan sa mga taga-Lambayong na maging responsable sa pagtatapon ng basura.

Nakatakdang mamigay ng relief goods ang lokal na pamahalaan ng Lambayong para sa mga apektadong pamilya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.