7 frontliners sa Kanlungang Palma at UP Health Service, nagpositibo sa COVID-19

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2020 10:52 PM

MAYNILA - Nasa isolation na ang 7 frontliners sa Kanlungang Palma at University of the Philippines Health Service na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa inilabas na bulletin ng UP Diliman, sinabing natukoy na rin ang mga nakasalamuha ng frontliners.

Magpapatuloy naman ang operasyon ng Kanlungang Palma at UP Health Service, matapos ang konsultasyon sa infectious disease specialist mula sa Philippine General Hospital.

Mahigpit na binabantayan ng UPHS ang COVID-19 situation sa campus at sinigurong agad mag-aabiso kapag may update.