Lalaki patay sa pananambang sa Antipolo

ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2019 03:51 PM

Napatay nitong Linggo ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa may Sumulong Highway, Antipolo City.

Ayon kay Antipolo police chief Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, binabagtas ng biktima ang kalsada sakay ang isang Toyota pick-up nang tabihan at pagbabarilin sila ng mga salaring sakay ng motorsiklo.

Isinugod sa ospital ang lalaki pero binawian din ng buhay.

Kasama ng biktima ang kaniyang asawa nang mangyari ang pamamaril pero nakaligtas ito, ani Bannawagan.

Patuloy na iniimbestigahan ang nangyari. --Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.