P680-K halaga ng hinihinalang droga, nasabat sa Rizal

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2018 05:48 PM | Updated as of Jun 23 2018 08:08 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Nasabat ang P680,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaki sa Cainta, Rizal nitong Sabado.

Arestado ang 27-anyos na si alyas "Manok" sa ikinasang buy-bust operation nang magbenta ng P1,000 halaga ng hinihinalang droga sa poseur buyer ng mga awtoridad.

Nang kapkapan ang target, 20 sachet pa ng hinihinalang shabu na may bigat na 100 gramo ang nakuha sa kaniya.

Ayon kay Supt. Arturo Brual Jr., hepe ng Cainta Police, residente ng Taguig City ang lalaki pero nasa watchlist ng pulisya dahil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga.

Haharap ang suspek sa kasong pagbebenta ng ilegal na droga.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.