Tanggapan ng apat na ahensya ng pamahalaan sa Pagadian, nasunog

Dynah Diestro, ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2017 07:06 PM

Tinupok ng apoy ang mga tanggapan ng gobyerno sa Pagadian City Biyernes ng madaling araw. Pj Gisan, ABS-CBN News

Tatlong regional offices ng pamahalaan at ang pansamantalang tanggapan ng PTV-4 sa Pagadian City ang nasunog Biyernes ng madaling araw. 

Tinatayang nasa P2-milyon ang naging pinsala ng sunog na tumupok sa pang-rehiyon na tanggapan ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), Philippine Information Agency (PIA), National Commission for Culture and the Arts, at PTV-4.

Tinupok ng apoy ang mga tanggapan ng gobyerno sa Pagadian City Biyernes ng madaling araw. Pj Gisan, ABS-CBN News


Walang naisalbang gamit sa lahat ng mga tanggapan. Sunog rin maging ang dalawang sasakyan ng NCIP at PIA.

Ayon sa isang residente, napansin nila na sa may tanggapan ng NCIP nagsimula ang apoy. 

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, sa likurang bahagi ng tanggapan ng NCIP nagsimula ang sunog.

Ayon kay Fire Senior Inspector Regel Olmedo, posibleng pinagmulan ng sunog ang kubo sa likuran ng NCIP, kung saan kumakain at tumatambay ang mga empleyado. 

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.