TACLOBAN - Halos 6,000 estudyante na nakaligtas sa hagupit ng bagyong Yolanda ang dumagsa dito sa siyudad, Biyernes, upang kunin ang ipinangakong P5,000 cash assistance ng Commission on Higher Education.
Noong Martes ay inanunsiyo ni CHED Commissioner Prospero De Vera na makakatanggap ng "one-time cash assistance" ang bawat estudyanteng nasa kolehiyo na nag-aaral sa mga probinsiyang binayo ng super typhoon noong 2013.
Subalit ipinaliwanag ng mga opisyal sa mga pumilang estudyante na "pre-identified" o nailista na ang mga pangalan ng mga makakatanggap ng ayuda noong Marso pa.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.