'Bato' binisita ang istasyon ng pulis na inatake ng rebelde sa Iloilo

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Jun 23 2017 06:35 PM

MAASIN, Iloilo - Binisita ng hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Ronald Dela Rosa ang istasyon ng pulis na inatake ng mga pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army noong nakaraang linggo.

Ipinangako ni Dela Rosa sa lokal na pamahalaan na popondohan ng gobyerno ang pagpapatayo ng bago at mas dekalidad na istasyon ng pulis sa bayan matapos lusubin ng mga rebelde ang lumang opisina.

Hindi bababa sa 23 pulis ang inalis sa puwesto matapos silang maagawan ng baril at patrol car ng mga rebelde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.