PatrolPH

Kawani ng DPWH, patay sa sunog sa Capiz

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2021 01:27 PM

Kawani ng DPWH, patay sa sunog sa Capiz 1
Patay ang isang kawani ng Department of Public Works and Highways matapos ma-trap sa loob ng nasusunog na bahay sa Dumalag, Capiz, ngayong Hunyo 22, 2021. Larawan mula sa Dumalag Bureau of Fire Protection

Patay ang isang kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) matapos ma-trap sa loob ng nasusunog na bahay sa Dumalag, Capiz, madaling araw ng Martes.

Nakilala ang biktimang si Engr. Edimar Alba, 43-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Dumalag Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa kusina ng bahay ng biktima na nasa Barangay Poblacion, at mabilis na kumalat hanggang sa kalapit na mga bahay.

Natagpuan na lamang ng awtoridad ang biktima sa loob ng banyo at wala na itong buhay.

Tatlong bahay ang tuluyang naabo habang dalawang bahay naman ang bahagyang nasunog, ayon sa awtoridad.

Umabot sa P300,000 ang inisyal na halaga ng mga nasunog na ari-arian.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa naging sanhi ng sunog.

- Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.