PatrolPH

2 huli sa pangingisda sa fish sanctuary sa Davao Oriental

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2021 02:21 PM

Arestado ang 2 lalaki dahil umano sa pangingisda sa isang marine protected area sa bayan ng San Isidro, Davao Oriental, Martes ng madaling araw.

Nahuli ng mga tauhan ng Municipal Fishery Law Enforcement Team at ng Bantay Dagat ang 2 mangingisda sa Hinatuan Reef, na isang fish sanctuary 2 kilometro ang layo mula sa Barangay Baon.

Ayon sa mga awtoridad, lumabag ang mga mangingisda nang magsagawa ng spear fishing gamit ang air compressor.

Nakumpiska mula sa kanila ang isang motorized banca, spear gun, compressor at 2 kilo ng assorted fish.

Inahahanda na ng Municipal Fishery Law Enforcement Office ang reklamo laban sa dalawa.

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC

-- Ulat ni Hernel Tocmo

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.