PatrolPH

P6-M halaga ng marijuana na ibibiyahe sa Cavite nasamsam sa Bontoc checkpoint

Michelle Soriano, ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2020 03:12 PM

BONTOC, Mt. Province — Higit P6 milyong halaga ng marijuana ang nakumpiska sa checkpoint sa bayan ng Samoki mula sa 3 tao na papunta sana sa Cavite. 

Nakabalot sa diyaryo at Manila paper ang 53 bloke ng marijuana na nakumpiska, na tinatayang nasa P6.3 milyon ang halaga.

Sakay ang 3 lalaki ng isang kotse galing sa Kalinga, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng rehiyon. 

"From Dasmariñas, Cavite, nakapasok sila ng Cordillera with their quarantine passes. They complied pero kung tutuusin, they are not residents of any Cordillera provinces. Diba ang chine-check during quarantine is travel pass, health declaration, authority to travel? They have all those so nakapasok sila," paliwanag ni PDEA-Cordillera public information officer Rosel Sarmiento. 

Nasa kustodiya na ng PDEA ang mga suspek na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.