Nasa P3-M halaga ng drogang 'kush' mula California nasamsam sa Pasay City

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2020 03:06 PM

MAYNILA — Nasa mahigit P3 milyong halaga ng drogang "kush" na isang uri ng cannabis mula Estados Unidos ang nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Pasay City.

Galing sa California sa Amerika ang parcel na naglalaman ng kontrabando na ipinadala sa Central Mail Exchange Center (CMEC).

Idineklara bilang mga chocolate, green tea, shirts, at black tea ang laman ng kahon na naka-consign sa isang taga-Marikina City.

Nai-turnover na sa Philippine Drug Enforcement Agency ang kontrabando.

Nagsasagawa na rin ng followup operations ang mga awtoridad para maaresto ang nakatakdang receiver ng droga. —Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.