3 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Negros Occidental

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2020 10:12 PM

Tatlo ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng Negros Occidental nitong Lunes.

Ayon sa Department of Health-Western Visayas, mga locally stranded individuals (LSI) ang tatlong bagong COVID-19 patients sa probinsya.

Isang 25 anyos na babae mula Sagay City, 21 anyos na lalaki nga mula sa bayan ng Hinigaran, at 23 anyos na lalaki mula sa Escalante City ang tatlong bagong kaso ng COVID-19.

Parehong nasa quarantine facility ng kani-kanilang bayan ang babaeng pasyente at ang pasyente mula Escalante City, habang naka-home quarantine naman sa bayan ng Hinigaran ang isa pang pasyente.

Walang ipinapakitang mga sintomas o asymptomatic ang tatlong bagong kaso ng COVID-19 sa lalawigan.

Sa kabuuan ay may 43 kumpirmadong kaso na ng COVID-19 sa Negros Occidental.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.