Umano'y drug runner timbog sa buy-bust sa Makati

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2019 05:11 PM | Updated as of Jun 22 2019 07:24 PM

MAYNILA — Arestado ang isa umanong drug runner sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya noong Biyernes ng gabi sa Makati.

Agad pinosasan ang suspek na si alyas "Makoy" na nahuli sa Barangay Kamias.

Nakuha mula kay Makoy ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P200,000.

Depensa ng suspek, may nag-uutos lamang daw sa kaniya at hindi talaga siya ang tulak ng droga.

Ang among sinasabing nag-utos kay Makoy ay isa umanong alyas "Josel" na kasalukuyang nakakulong sa New Bilibid Prison.

Watch more in iWant or TFC.tv

"Actually, mayroon tayong report diyan kung sino itong Josel, pero for security purposes at follow-up, di muna babanggitin... May mga evidence kami, 'yung bank remittance, iba-ibang personality po," sabi ni Police Maj. Ferdinand Mendoza, hepe ng Regional Drug Enforcement Unit ng National Capital Region Police Office.

Kulong si Makoy sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.