Sunog sumiklab sa isang residential area sa Malabon

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2019 04:49 PM

Natupok ang isang residential area sa Barangay Potrero, Malabon nitong Sabado.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ika-2 alarma ang sunog sa Juliana Street at nagsimula bandang alas-12 ng tanghali.

Batay sa imbestigasiyon ng BFP, gawa umano sa light materials ang mga nasunog na bahay.

Wala namang naitalang patay o sugatan sa pangyayari.

Inaalam pa kung ilang bahay ang nasunog at ang halaga ng pinsalang naidulot nito.—Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.