'Help is here': Pagsasabatas ng 'Mental Health Law' labis na ikinatuwa

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2018 09:58 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Ikinagalak ng mga nagsusulong sa adbokasiya ng mental health ang pagsasabatas ng Philippine Mental Health Law o Republic Act 11036.

"Kung nasaan ka man sa Pilipinas, may tulong, help is here," ani PJ Tanglao na na-diagnose na may depresyon noong 17 anyos siya.

"Naramdaman ko sa mga activities na ginagawa ko, hindi na siya as fun. Nasa isang birthday party ako, malungkot ako," pag-alala ni Tanglao.

Sa tulong ng batas, obligado ang mga eskuwelahan at barangay na magkakaroon ng mga programa at serbisyong may kaugnayan sa mental health.

Ayon sa isang psychologist, malaking bahagi ang pamilya at paaralan sa pagpapanatili ng kalusugang pangkaisipan.

"Mataas na dahilan ay problema sa pamilya, problema sa pag-aaral, sa standards that the students are trying to reach up to and siyempre financial concerns," ani Dra. Violeta Bautista ng Psychological Association of the Philippines (PAP).

-- Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News

Editor's note:

May mga grupo sa Pilipinas na handang makinig sa mga taong nakararanas ng matinding kalungkutan at depresyon.

Kabilang na rito ang Natasha Goulbourn Foundation na handang tumugon kahit na anong oras.

Narito ang kanilang hotline numbers:

Information and Crisis Intervention Center
(02) 804-HOPE (4673)
0917-558-HOPE (4673) or (632) 211-4550
0917-852-HOPE (4673) or (632) 964-6876
0917-842-HOPE (4673) or (632) 964-4084

In Touch Crisis Lines:
0917-572-HOPE or (632) 211-1305
(02) 893-7606 (24/7)
(02) 893-7603 (Mon-Fri, 9 am-5 pm)
Globe (63917) 800.1123 or (632) 506.7314
Sun (63922) 893.8944 or (632) 346.8776

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.