Balyena, nasagip sa Northern Samar

Mel Bingco, ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2018 09:21 AM

Agad din pinakawalan ang nasagip na balyena na sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat sa Barangay Manaybanay sa bayan ng Mapanas. Larawan mula sa Mapanas Municipal Police Station

MAPANAS, Northern Samar – Nasagip ng awtoridad ang isang balyena na sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat na sakop ng Barangay Manaybanay.

Ayon kay Eugene Villamor, presidente ng Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC), nanghihina at may mga galos sa katawan ang balyena na posibleng resulta ng pagkasadsad nito sa mga bato o corals.

Agad naman itong binigyang lunas ng awtoridad at pinakain ng isda para manumbalik ang lakas nito.

Tinatayang may habang dalawang metro ang nasabing balyena na kaagad namang ibinalik sa malalim na bahagi ng dagat.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.