Empleyado ng electric coop, pinatay ng riding-in-tandem

ABS-CBN News

Posted at Jun 22 2017 12:39 PM

MAYNILA - Patay ang isang empleyado ng electric cooperative sa Batangas nang tambangan ng mga salaring nakamotorsiklo sa bayan ng Bauan, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Carlito Marasigan Landicho, empleyado ng Batangas Electric Cooperative, na papasok sa trabaho nang sakay ng motorsiklo nang siya ay barilin ng riding in tandem.

Sa inisyal na ulat, lumalabas na sinusundan na pala ng mga salarin si Landicho habang siya ay papasok, at saka lang nila ito tinambangan sa highway bahagi ng Barangay Muzon.

Naisugod pa sa Bauan District Hospital ang biktima pero idineklara rin itong dead on arrival. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. Ulat ni Arnell Ozaeta, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.