Courtesy of Jerome Lantin, ABS-CBN News
MAYNILA - Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa 38 kilo ng hinihinalang shabu sa isang condominium building sa Remedios St., Malate, Maynila nitong Lunes.
Tinatayang nagkakahalaga ng P258 milyon ang droga na narekober ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Manila Police District.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ng Manila Regional Trial Court, nakuha ang droga sa isang unit sa 16th floor ng nasabing condo at sa loob ng isang van na nakaparada sa 3rd level.
Ayon kay PDEA director-general Wilkins Villanueva, nag-ugat ang operasyon matapos nilang maaresto noong isang linggo ang isang Chinese national na kinilalang si Sy Zhunchen.
Nakuha ng mga awtoridad ang nasa 155 kilo ng umano'y shabu sa magkakasunod na operasyon na iyon sa Paranaque, Las Pinas at Imus City sa Cavite.
LINKS
KAUGNAY NA ULAT
- May ulat nina Jerome Lantin, ABS-CBN News; at Mores Heramis
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Tagalog news, crime, shabu, drugs, Chinese, PDEA, Philippine Drug Enforcement Agency, MPD, Manila Police District, illegal drugs