PatrolPH

Motorcycle rider patay matapos mabundol ng SUV, truck sa Camarines Sur

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2021 06:00 PM

Motorcycle rider patay matapos mabundol ng SUV, truck sa Camarines Sur 1
Kuha ng Sipocot MPS

Isang 23-anyos na lalaki ang nasawi matapos mabundol habang nagmamaneho ng motorsiklo sa isang highway sa Sipocot, Camarines Sur, Linggo ng gabi.

Ayon sa mga awtoridad, bumabaybay ang biktima sa Maharlika Highway sa Brgy. Tara mga alas 8 ng gabi at nag-overtake siya sa kaniyang sinusundang jeep.

Pero may pasalubong na SUV sa kabilang kalsada kaya nabangga ang biktima.

Tumilapon din umano siya sa isa pang kasalubong na truck.

Nakiramay ang mga awtoridad dahil padre de pamilya umano ang biktimang nasawi. Ipinagdiwang nitong Linggo ang Father's Day.

—Ulat ni Karren Canon

KAUGNAY NA BALITA

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.