PatrolPH

2-anyos patay nang mahulog sa septic tank sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2021 03:07 PM

Natagpuang patay ang isang 2 taong gulang na batang lalaki sa isang septic tank sa Estancia, Iloilo gabi ng Linggo.

Bandang alas-11 ng gabi nang mahanap ang bata sa septic tank matapos itong mawala nang ilang oras, ayon kay alyas "Ken," kapitbahay ng pamilya ng bata.

Hindi makapaniwala si "Ken" nang makita nila sa septic tank ang bata dahil ilang beses nila itong sinilip.

Bandang alas-6 ng gabi umano nang mapansin ng ama ng bata na nawawala ito.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Estancia police ang pangyayari.

Hiniling din ng pamilya ng bata na isailalim sa autopsy ang katawan nito para malaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay.

— Ulat ni Rolen Escaniel

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.