Lalaki nakuhanan ng halos P1-M hinihinalang shabu sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2020 02:42 AM

DAVAO CITY - Arestado ang isang 26 anyos na lalaki sa buy-bust operation sa McArthur Highway, Matina, Davao City, Sabado ng hapon.

Narekober sa suspek ang 8 pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 64 na gramo. 

Nagkakahalaga umano ito ng P960,000, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Davao Region.

"Duda namin isang kilo itong drugs na na-distribute na niya sa kaniyang mga kliyente. Malakihan ang transaction nito," ani PDEA XI director Antonio Rivera.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek. -- Ulat ni Cheche Diabordo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.