PatrolPH

2 barangay official patay sa pamamaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2020 05:20 PM | Updated as of Jun 21 2020 05:24 PM

Patay ang 2 tauhan ng barangay sa bayan ng Tubungan, Iloilo City matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin noong gabi ng Sabado.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima bilang sina Harold Tablazon, kagawad ng Barangay Ago, at Glen Bunda, chairman ng Sangguniang Kabataan sa Barangay Tagpuan.

Pauwi ang mga biktima sa kani-kanilang barangay nang mangyari umano ang pamamaril.

May ilang residenteng malapit sa crime scene ang nakarinig ng mga putok ng baril, ayon sa imbestigasyon ng Tubungan police.

Nang rumesponde ang mga pulis, nadatnan sa kalsada ang mga duguang biktima.

Hindi pa matukoy ang motibo sa krimen.

Wala umanong masamang record sa barangay si Bunda habang may pending na kasong illegal possession of firearm si Tablazon.

Ipinag-utos ng Iloilo Police Provincial Office ang pagbuo ng special investigation team para pamunuan ang pag-imbestiga sa krimen. -- Ulat ni Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.