Suspek sa pagnanakaw ng mga manok panabong sa Pampanga, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 01:38 AM | Updated as of Jun 21 2019 11:10 PM

Bacolor Police

PAMPANGA—Arestado ang isang lalaki na sangkot umano sa pagnanakaw ng mga manok panabong sa Bacolor, Pampanga.

Kinilala ang suspek na si Jonathan Salvatierra, 25 anyos, habang pinaghahanap naman ng mga pulis ang 3 niyang kasabwat.

Nahuli si Salvatierra nitong Martes dahil sa ilegal na droga sa Bongabon, Nueva Ecija at dito siya natunton ng may-ari ng mga manok panabong.

Sa higit 20 manok panabong na ninakaw, 10 nalang ang narekober ng pulisya, kabilang dito ang 4 na nakuha sa isang buyer.

Sinampahan na ng kasong theft si Salvatierra at kaniyang mga kasabwat habang violation of anti-fencing law ang isinampa laban sa buyer ng mga nakaw na manok panabong. - Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.