Presong pumuga sa QC Jail, arestado

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 07:13 PM | Updated as of Jun 21 2019 08:05 PM

MAYNILA - Naaresto na ang isa sa dalawang detainees na nakatakas mula sa Quezon City Jail Annex noong Huwebes.

Namataan ng nagpapatrolyang pulis si Ariel Consulta sa isang terminal ng tricycle sa Bignay Street, Quezon City nitong Biyernes, ayon kay Police Brig. Gen. Joselito Esquivel, hepe ng Quezon City Police District.
 

Patuloy naman ang pagtugis sa isa pang nakatakas na inmate na si John Kerwin Clemente.

Nakatakas sina Consulta at Clemente, parehong may kaso ukol sa ilegal na droga, habang nagsasagawa ng hearing sa QC Regional Trial Court Branch 82.

Napag-alamang nakasama sila sa pagdinig kahit wala silang schedule at sa Hulyo pa nakatakda ang kanilang hearing. --Ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.