P1.8-M halaga ng 'shabu' nasamsam sa Zamboanga

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 04:46 AM

ZAMBOANGA CITY - Nasamsam ng mga pulis ang nasa P1.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Baliwasan Grande, Zamboanga City nitong Biyernes ng madaling-araw.

Nahuli rin ang 41-anyos na lalaki sa loob ng boarding house kung nangyari ang transaksiyon.

Itinanggi ng suspek na sangkot siya sa pagtutulak at iginiit na frame-up ang operasyon.

Ayon naman kay Barangay Kagawad Cocoy Cabato, hindi kasama ang suspek sa drugs watch list, pero minamanmanan nila ito dahil umano sa ilegal na gawain. - Ulat ni Leizel Lacastesantos, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.