PatrolPH

ALAMIN: Mga kalsadang aayusin sa Kamaynilaan, Hunyo 21-24

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 03:57 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair sa iba't ibang bahagi ng Kamaynilaan simula alas-11 ng gabi Biyernes, Hunyo 21.

Magtatagal ang pagkukumpuni hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Hunyo 24.

SOUTHBOUND:

• EDSA kaharap ng Guzent Construction Sales at Rental (ikalawang lane mula sa bangketa)
• Katipunan Ave. mula pagkatapos ng Aurora Flyover hanggang P. Tuazon Blvd. (truck lane)
• EDSA Magallanes-Baclaran Bus Stop hanggang Magallanes-Alabang Bus Stop (outer lane)
• EDSA bago mag-Aurora Blvd. (outermost lane) at Aurora Blvd. – Arayat (innermost lane)

EASTBOUND:

• General Luis St. malapit sa Banahaw St.

WESTBOUND:

• Quirino Highway Kingfisher St. hanggang Primerose St. (unang lane mula sa bangketa)

NORTHBOUND:

• C-5 Road kaharap ng SM Aura at Market-Market (inner lane)
• España Blvd. Don Quijote hanggang Ma. Cristina St.
• Regalado kaharap ng SM Fairview (ikalawang lane mula sa bangketa)
• EDSA bago mag-General Roxas Ave., hanggang pagkatapos ng Aurora Blvd., (una at ika-2 lane mula sa bangketa, intermittent)

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na kalye at dumaan sa mga alternatibong ruta.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.