ABS-CBN kinilala dahil sa maayos na pamamalakad ng kompanya

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 08:43 PM

Tinanggap ni ABS-CBN Chief Financial Officer Aldrin Cerrado ang parangal mula sa ICD CEO na si Alfredo Pascual, at SEC Chairman Emilio B. Aquino. 

Pinarangalan ng Institute of Corporate Directors (ICD) para sa mahusay na pamamalakad sa kompanya ang ABS-CBN, ang natatanging media network na tumanggap ng nasabing parangal.

Tinanggap ni ABS-CBN Chief Financial Officer Aldrin Cerrado ang tropeo sa ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Recognition Ceremony, na kumilala sa mga kompanyang maayos ang pagpapatakbo at sumusunod sa mga regulasyon ng gobyerno.

Mahalaga ang corporate governance para manatiling matibay at nangunguna sa industriya ang 65 taon gulang na kompanya, ayon kay Cerrado.

Iginiit din ni Cerrado na sinusunod ng ABS-CBN ang pamantayan ng ICD, na may layuning itaas ang kalidad ng polisiya sa corporate governance sa bansa, at gawin itong kapantay ng kalidad sa buong mundo. 

Bukod sa ABS-CBN, ginawaran din ng ICD ng parangal ang iba pang kompanya ng Lopez Group tulad ng Lopez Holdings Corporation at First Gen Corporation. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.