2 rebelde, patay sa bakbakan sa Negros Oriental

Nico Delfin, ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2019 07:49 PM

Patay ang dalawang hinihinalang kasapi ng New People’s Army na kasama sa mga rebeldeng lumusob sa patrol base ng militar sa Barangay Talalak sa bayan ng Santa Catalina sa Negros Oriental.

Biyernes ng madaling araw nang lusubin ng mahigit sa 20 rebelde ang patrol base ng 94th Infantry Battalion sa Sitio Kakha.

Umabot sa mahigit kalahating oras ang bakbakan na ikinamatay ng dalawang hindi pa nakikilalang mga rebelde.

Narekober sa lugar na pinangyarihan ng bakbakan ang mga magazine at bala ng M16 at M14 rifle, isang granada at ilang pang personal na gamit ng mga nakatakas na mga rebelde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.