Surigao del Sur niyanig ng lindol

Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2018 01:17 PM | Updated as of Jun 21 2018 04:46 PM

BUTUAN CITY - Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Bislig City sa Surigao del Sur, Huwebes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-11:25 ng umaga naitala ang lindol na ang epicenter ay nasa timog-silangan ng Bislig City. May lalim itong 112 kilometers.

Tectonic ang origin ng lindol.

Wala namang naiulat na pinsala o aftershock ang nasabing pagyanig.

Pasado alas-10 naman ng umaga nang maitala ang magnitude 2.2 na lindol sa Marihatag, Surigao del Sur.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.