Lalaki, patay nang makipagbarilan sa mga pulis

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2018 08:31 AM

Sa lugar na ito napatay ang hindi pa nakikilalang lalaki na pinaputukan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa Barangay Banay-Banay sa Lipa City. Larawan mula sa Lipa City Police

LIPA CITY – Patay ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na nakipagbarilan umano sa mga pulis, Miyerkoles ng gabi sa Barangay Banay-banay sa lungsod na ito.

Ayon sa pulisya, tumakbo ang lalaki at biglang pinaputukan ng baril ang mga nakitang pulis na nagsasagawa ng Oplan Galugad sa naturang barangay.

Naisugod pa sa ospital ang lalaki pero namatay rin. 

Narekober umano sa bulsa ng lalaki ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, pera, at drug paraphernalia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.