Bicol uulanin dahil sa low pressure area

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2018 07:32 AM

MANILA - Maaaring makaranas ng mga pagbaha ang Bicol region ngayong Huwebes dahil sa mga pag-ulan na dala ng low pressure area, sinabi ng state weather bureau. 

Huling namataan ang sama ng panahon 485 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan alas-3 ng umaga, sabi ng PAGASA. 

Una nang sinabi ng ahensya na malabong maging bagyo ang low pressure area. 

Samantala, magdadala ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang habagat sa mga rehiyon ng Ilocos at Cordillera, gayundin sa mga isla ng Batanes at Babuyan, sabi ng PAGASA. 

Inaasahan naman anila ang localized thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa. 

Para sa iba pang ulat-panahon, bistahin ang ABS-CBN Weather Center

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.