TINGNAN: Residential area sa Pasay nasunog

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 09:35 AM

MANILA - Nasunog ang ilang bahay sa Barangay 1, Pasay malapit sa FB Harrison Street, Miyerkoles.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, itinaas na sa ikalawang alarma ang sunog na sumilab pasado alas-8 ng umaga.

Dakong alas-9 ng umaga, maliit na lamang ang apoy na tumutupok sa mga bahay na gawa sa light materials, ngunit nananatiling makapal at mataas ang usok.

Nakahinto ang ilang kotse sa Roxas Boulevard habang tanaw sa hindi kalayuan ang makapal na usok sa Barangay 1, Pasay. Thea Alberto-Masakayan, ABS-CBN News

Tumutulong naman ang mga residente na buhusan ng tubig ang kanilang bahay upang hindi na madamay at maisalba ang kanilang mga gamit.

Inaalam pa ang sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian. -- May ulat ni Ron Lopez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.