Kwarto sa bahay ampunan, nasunog; mga bata, iniligtas

ABS-CBN News

Posted at Jun 21 2017 11:59 AM | Updated as of Jun 21 2017 12:26 PM

MAYNILA - Tinupok ng apoy ang bahagi ng isang bahay ampunan sa Fraternal Street, Quiapo Miyerkoles ng madaling araw.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), kuwarto sa ikalawang palapag ng Onesimo Bulilit Foundation Inc. ang nasunog.

Nagsimula umano ang apoy bandang ala-1:00 ng madaling araw, agad itinaas sa unang alarma at agad naapula matapos ang nasa 30 minuto.

Ligtas naman ang mga bata at walang nasaktan sa mga ito, ayon sa mga awtoridad.

Sa ngayon, inilipat na ang mga bata mula sa ampunan papunta sa kabilang sangay nito.

Inaalam pa kung ano ang sanhi ng sunog gayundin ang halaga ng napinsalang ari-arian.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.